May dagdag na requirement sa pagkuha ng bagong driver’s license at ang mga kooperatiba na kukuha ng prangkisa ng mga public utility vehicles sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa situation briefing, iprinesenta ni Transportation Secretary Arthur Tugade kay Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay para maisulong ang reforestation sa bansa.
Hindi maikakala, ayon kay Tugade, na kaya binababa ang iba’t ibang bahagi ng bansa gawa ng Cagayan Valley dahil sa mga kalbong kabundukan.
Ayon kay Tugade, pagtatanimin muna ang mga kooperatiba ng 500 puno habang ang nga kukuha ng bagong driver’s license ay pagtatanimin ng 10 puno.
Makikipag-ugnayan aniya ang DOTr sa DENR para sa paghahanap sa mga lugar na kailangang pagtaniman ng mga puno.