Iba, Zambales, niyanig ng lindol

March 17 Iba ZambalesNiyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Iba sa lalawigan ng Zambales ngayong umaga. (March 17)

Naitala ang pagyanig sa 26 kilometers south ng Iba, alas 6:46 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity 3 sa Clark, Pampanga at Iba, Zambales dahil sa nasabing lindol.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock dahil sa naganap na pagyanig.

Read more...