2 patay matapos ma-hit and run sa flyover ng Tandang Sora sa QC

tandang sora cor commPatay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mabiktima ng hit-and-run sa East bound lane ng Commonwealth Avenue – Tandang Sora Flyover.

Nangyari ang aksidente bago mag-alas 4:00 ng madaling araw kanina (March 17).

Ang isa sa mga biktima na nasa mahigit 20-anyos habang ang kasama nito ay tinatayang nasa edad 30.

Palaisipan naman sa mga imbestigador ng Quezon City Police District kung ano ang ginagawa ng dalawa sa ibabaw ng flyover gayung may footbridge naman o tawiran sa ‘di kalayuan.

Ayon naman sa mga tagaroon, barker daw ng jeep ang dalawang biktima pero hindi nila alam ang pangalan ng mga ito.

Inaalam na rin ng pulisya kung may CCTV na nakakuha sa pangyayari.

Ayon sa mga saksi isang kulay gray na kotse ang nakasagasa sa mga biktima.

Read more...