Si SPO2 Arnel Fortes ay umawat lamang sa nag-dwelong kasamahan na sina PO1 Rollsmith Ducusin at PO2 Teejay Valdez kahapon.
Pero nadamay si Fortes at nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo na ikinasawi nito kaninang madaling araw.
Kapwa naman sugatan sina Ducusin at Valdez na ginagamot sa ospital.
Pinaiimbestigahan na ni QCPD director Ed Tinio ang nasabing insidente.
Pinatutukoy din kung kaninong baril nagmula ang tumamang bala sa ulo ni Fortes sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ballistic test sa mga baril ng dalawang nag-away na pulis.
Sinasabing sina Ducusin at Valdez ay nag-away dahil sa isyu ng attendance at Performance Governance System.