Ika-91 Malasakit Center sa bansa, binuksan na

Binuksan na ang ika-91 Malasakit Center sa bansa.

Ayon kay Senador Bong Go, nasa Angel Salazar Memorial General Hospital sa San Jose de Buenavista sa Antique province ang bagong Malasakit Center.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa medical assistance mula sa gobyerno.

“Gusto ko pasalamatan ang administrative staff [ng mga ospital] at, lalong-lalo na, ang mga medical frontliners para sa inyong dedikasyon at sakripisyo sa inyong profession. Sa kabila ng peligro na dala ng COVID-19, patuloy pa rin kayong nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. Buhay ninyo ang nakataya dito kaya maraming, maraming salamat,” pahayag ni Go.

Mahalaga ayon kay Go na magkaroon ng stability ang healthcare system sa bansa lalo’t may pandemya.

Pinagsusumikapan din aniya ng pamahalaan na maresolba ang matinding korupsyon sa Philippine Health Insurance Corporation.

“Pasensya na po dahil talagang may problema ang PhilHealth sa korapsyon […] Hindi kami titigil ni Pangulong Duterte. Tuloy-tuloy ang kampanya namin laban sa korapsyon sa gobyerno. Sa kung sino man ang napatunayang nagnakaw…sa pondo ng taumbayan ay talagang hahabulin at yayariin namin kayo,” pahayag ni Go.

“Pinagpawisan ng ating mga kababayan ang mga remittances diyan sa PhilHealth kaya sisiguraduhin namin na walang piso ang masasayang sa kaban ng taumbayan,” pahayag ng Senador.

Read more...