Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.31 milyon na

Pumalo na sa mahigit 1.31 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,318,044 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 251,256.

Sumunod na rito ang Brazil na may 165,673 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 129,674 naman ang death toll sa India habang 98,259 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 51,766
– Italy – 44,683
– France – 44,246
– Iran – 41,034
– Spain – 40,769
– Argentina – 35,307
– Peru – 35,177
– Colombia – 33,829
– Russia – 32,834

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 54,318,841 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 37,866,891 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...