Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Batanes.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 73 kilometers northeast ng bayan ng Itbayat, alas-7:15 gabi ng Biyernes (November 13).
May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES