Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Biyernes, November 13), nasa 11,519 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,228 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay 7,461.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay 830.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,518 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific na mayroong 1,863 naman na kaso.
Ang Europe naman ay may 1,309 confirmed COVID-19 positive cases at 829 sa Americas.