Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 117 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-5:14 hapon ng Biyernes (November 13).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...