Metro Manila at mga kalapit na bayan makararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig

Makararanas ng mahina hangngang sa walang suplay ng tubig ang ilang lugar sa metro manila at mga kalapit na bayan.

Ito ay dahil sa Malabo ang tubig mula sa ipo dam dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon sa Maynilad, mararanasan ang water interruption hanggang mamayang alas kwatro ng hapon, November 13 sa Quezon City, Bacoor City at Cavite City, Navotas, Valenzuela Paranaque, Caloocan, Manila, Pasay at Makati City.

Sa kasalukuyan, nagpapatupad ng rotational water interruption ang Maynilad upang mabigyan ng tubig ang lahat ng apektadong customer ng ilang oras kada araw.

Patuloy na minomonitor ng Maynilad ang kalidad ng raw water mula sa Ipo Dam upang agad maibalik sa normal ang supply sa oras na mag-improve na ito.

Humihingi ng patuloy na pang-unawa ang Maynilad at nangakong agad na aayusin ang suplay ng tubig.

 

Read more...