12 napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Ulysses

Labing dalawa katao ang naiulat na nasawi sa bagyong Ulysses.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay base sa impormasyon mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Walo katao ang naiulat na nasugatan habang labing apat ang naiulat na nawawala.

Mahigit sa 105,000 katao ang na rescue.

Ayon kay Roque, umiiral ngayon ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

 

Read more...