Aabot sa apatnaput apat na transmission lines ang nasira dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa naturang bilang, tatlumpu ang naibalik na habang ang natitira ay inaayos pa.
Patuloy na nagsasagawa ng aerial at foot patrols ang ngcp para mabatid ang lawak ng pinsala ng nagdaang bagyo.
Matatandaang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na bayan ang nawalan ng suplay ng kuryente nang manalasa ang bagyong Ulysses.
MOST READ
LATEST STORIES