Lima patay sa pananalasa ng bagyong Ulysses


Patay ang lima katao sa Bicol region dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense, kabilang sa nasawi ang limang taong gulang na si John Lyndon Candelaria na namatay dahil landslide sa Labo, Camarines Norte.

Nasawi naman matapos malunod si Federico Taroza, apatnaput pitong taong gulang.

Patay na nang matagpuan si Johnny Miraña sa baybaying dagat sa Camarines Sur. Nabatid na tinangka ni Miraña na iligtas ang kanyang alagang kambing.

Patay din si Avelino Cabaneta na nag ayos ng bubong ng bahay at si Salva Mangubat na nadulas naman.

Read more...