Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 214.15 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (November 13) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 211.30 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.68 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.20 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 70.12 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.90 meters.

Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Binga at Caliraya dams.

Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

Read more...