Angat at Ipo dams patuloy sa pagpapakawala ng tubig

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang Angat at Ipo dams dahil sa mataas na lebel ng tubig dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, dalawang gate ng Angat dam ang nakabukas habang 2 gate din ang nakabukas sa Ipo dam.

Ang mga posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng dalawang dam ay ang mga munisipalidad ng Norzagaray, Angat, San rafael, Bustos, Pulilan at Plaridel.

Inabisuhan ang mga residente at local disaster risk reduction and management councils sa mga nabanggit na lugar na maghanda at gawin ang mga nararapat na aksyon sa posibleng dulot ng pagpapakawala ng tubig.

Read more...