P1.9B pondo inihahanda na ng DBM para sa mga nasalanta ng malalakas na bagyo


Uunahin ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng natitirang P1.9B na calamity fund ngayong taon.

Ang pondo ay gagamitin para sa mga nasalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo na Quinta, Rolly at Ulysses.

Sa panayam ng Inquirer kay Budget Secretary Wendel Avisado, mayroong P3.6B sa 2020 national disaster risk reduction and management fund (NDRRMF) na hindi pa nailalabas. Isang bilyon dito ay mapupunta sa Department of Public Works Highways (DPWH) bukod pa sa P182M na mapupunta naman sa Civil Defense kayat ang natittirang P1.9 bilyon ay ilalaan sa mga nasalanta ng kalamidad.

Sa P4.1-trillion 2020 national budget, P16 billion ang inilaan sa NDRRMF, P7.5 billion dito ang para sa national disaster risk reduction and management program kung saan base sa mga dokumento ng DBM malaking bahagi ng pondo ay nagastos para sa laban kontra COVID-19 pandemic, P3.5B para sa rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi City at pagsasaayos sa mga naapektuhan sa malalakas na pagyanig sa Davao at Soccsksargen noong nakaraang taon.

Read more...