Isa na lamang severe tropical storm ang bagyong Ulysses at hindi ito na nagdadala ng mga pag-ulan sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist, Meno Mendoza ang mata ng bagyo ay huling namataan sa 415 km West of Iba, Zambales alas-4 ng umaga at kumikilos Westward sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 135 kilometers per hour.
Posibleng lumabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang oras ngayong araw na ito.
Samantala, patuloy na nakaaapekto ang tail-end of cold front sa hilagang Luzon.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Cagayan Valley Region at sa Cordillera Administrative Region dahil sa epekto ng tail-end of cold front sa hilagang Luzon.
Maaliwalas na panahon naman ang mararanas sa Ilocos region na may mga mahihinag pag-ulan epekto naman ng Amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pagbuhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Ang bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay makararanas din ng maaliwalas na panahon na may posibilidad din ng mga panandaliang pagbuhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Nakataas naman ang gale warning sa sumusunod na lugar dahil sa bagyong Ulysses at malakas na Amihan:
Batanes
Cagayan
Babuyan Islands
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Zambales
Bataan
Western Coast of Palawan
Kalayaan Island
Pinapaalalahanan ang mga mangingisda sa mga nasabing baybaying dagat dahil sa malalaking alon na may taas na 2.6 hanggang 4.5 meters