Napanatili ang lakas ng Typhoon Ulysses habang kumikilos sa direksyong pa-Kanluran, ayon sa PAGASA.
Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 300 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales dakong 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Gayunman, inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signals sa bansa.
Ayon sa weather bureau, hanggang Biyernes ng tanghali, iiral ang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, northern at easteen portions ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, northern at central portions ng Aurora, Quirino at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararamdaman sa Ilocos Region, nalalabing bahagi ng CAR, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Aurora, northern portion ng Quezon kasama ang Polilio Islands, Zambales at Bataan.
Sinabi ng PAGASA na posibleng lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng umaga, November 13.