Red rainfall warning, nakataas pa sa mainland Cagayan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 11:00, Huwebes ng gabi (November 12), ito ay dulot pa rin ng trough ng Typhoon Ulysses.

Nakataas ang red warning level sa mainland Cagayan habang orange warning level naman sa Northern Isabela, Aurora, at Quirino.

Yellow warning level naman ang nakataas sa:
– Babuyan Island
– Calayan Island
– Camiguin Island
– Dalupiri Island
– Fuga Island
– Abra
– Apayao
– Ilocos Norte
– Kalinga

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Naranasan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pampanga, Bataan, Zambales, Quezon (General Nakar), Nueva Ecija, Isabela (Dinapigue, San Guillermo, San Mariano, Naguillan), Nueva Vizcaya Ifugao, Benguet, at Mountain Province.

Sinabi ng weather bureau na umiral ito sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong oras.

Samantala, inalis na ang heavy rainfall warning sa ilang lugar.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...