Batay sa update ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) bandang 6:00, Huwebes ng gabi (November 12), nasa kabuuang 40,518 pamilya o 156,955 katao ang apektado ng bagyo.
Kabilang dito ang National Capital Region, Regions 3, 5 at CALABARZON.
Nakasaad din sa inilabas na datos na 18,818 pamilya o 70,294 ang nananatili sa itinalagang 755 evacuation centers sa nasabing mga rehiyon.
1,556 pamilya o 5,890 katao naman ang wala sa mga evacuation center.
Nagdulot ang Bagyong Ulysses ng matinding pagbaha sa ilang probinsya sa bansa at maging sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES