Inilikas ng Makati city government ang 64 pamilya o 230 indibiduwal, araw ng Huwebes.
Apektado ang mga inilikas na residente ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Nananatili ang mga residente sa mga itinalagang evacuation center sa ilang barangay sa lungsod.
Ipinag-utos ni Mayor Abby Binay na tiyaking nabigyan ang bawat indibidwal ng Anti-COVID kits.
Maliban dito, nag-deploy din ng Makati Mobile Kitchen upang makapagbigay ng pagkain, food packs at modular tents bilang kanilang temporary shelter.
Samantala, wala pa ring patid sa pagtulong ang mga kawani ng Makati Search and Rescue (SAR) team sa mga apektadong residente sa Marikina City.
Kasama sa mga nailikas ng grupo ang tatlong pamilya na may 15 indibidwal at tatlong hayop.
MOST READ
LATEST STORIES