Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang karagatang sakop ng lalawigan ng Davao Occidental dakong alas 9:09 ng gabi, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng lindol 73 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Sarangani.
Nasundan pa ito ng isa pang lindol 120 kilometro ang layo sa timog- kanluran ng Saranggani 10:10 ng gabi.
Wala pang naitalang intensity o pinsalang idinulot ang lindol sa lupa sa rehiyon.
Samantala, isa pang paggalaw ng lupa sa karagatang sakop ng Palauig, Zambales dakong alas 10:34 ng gabi.
Naitala sa magnitude 3.4 ang lindol.
Wala ring naitalang pinsala na sanhi ng naturang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES