Central Visayas, nakapagtala ng halos 100 pang kaso ng COVID-19

Nagkaroon pa ng 95 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 11, 22,906 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 922 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 47 ang bagong gumaling kung kaya 20,621 na ang COVID-19 recoveries.

Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,363 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...