Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,607 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (November 11), 7,634 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 683 o 8.95 porsyento ang aktibong kaso.
Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 6,879 o 90.11 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 72 na ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES