COVID-19 cases sa Western Visayas, halos 18,000

Nagpositibo ang 90 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 11, umakyat na sa 17,994 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

2,870 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.58 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

57 naman ang gumaling pa kaya 14,662 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 462 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...