Ipo Dam, nagpakawala ng tubig

Nagpakawala ng tubig sa Ipo Dam, Huwebes ng madaling-araw (November 12).

Base sa hydrological dam situationer, umabot na sa 101.84 meters ang water level ng naturang dam bandang 12:30 ng madaling-araw.

Inaasahan pang tataas ito dahil sa nararanasang pag-ulan dala ng Typhoon Ulysses.

Sinimulang isagawa ang spilling operations bandang 12:30 ng madaling-araw na may total discharge na 432.32 cms.

Pinayuhan naman ang mga residente sa mabababng lugar sa bahagi ng Angat River mula Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto sa posibleng pagtaas ng water level.

Read more...