Siyam pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

Nasa siyam ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 11, nasa 11,510 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,224 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 7,458 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 828 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,518 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,309 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 829 naman ang kaso sa Americas at 1,854 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...