Mga na-trap na pamilya sa isang barangay sa San Jose, Camarines Sur nasagip

Photo credit: Mayor Dr. Marco Chavez/Facebook

Matagumpay na na-rescue ng mga awtoridad ang ilang pamilya sa isang barangay sa San Jose, Camarines Sur.

Na-trap ang mga pamilya sa baha sa bahagi ng Barangay Boclod dahil sa malakas na ulang dala ng Typhoon Ulysses.

Batay sa video at mga larawang ibinahagi ni Mayor Dr. Marco Chavez sa Facebook, makikita ang aktuwal na pag-rescue ng LGU San Jose Rescue Team sa mga pamilya kasabay ang malakas na pag-ulan at hangin.

Nakahawak ang mga residente sa lubid na inihanda ng rescue team para makalikas sa lugar.

Isa ang Camarines Sur sa matinding nakaranas ng hagupit ng Bagyong Ulysses.

Photo credit: Mayor Dr. Marco Chavez/Facebook
Read more...