Sinabi ng kagawaran na ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 82 s. 2020 ng Office of the President bunsod ng malakas na pag-ulang dulot ng Typhoon Ulysses.
Apektado ang consular offices sa mga sumusunod na rehiyon:
– Region 2
– Region 3
– Region 4 (CALABARZON, MIMAROPA)
– Region 5
– Cordillera Administrative Region (CAR)
– National Capital Region (NCR)
Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment
Ipadala lamang ito sa mga sumusunod:
– sanpablo.co@dfa.gov.ph
– lipa.rco@dfa.gov.ph
– legazpi.rco@dfa.gov.ph
Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula November 13 hanggang December 11, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours.
Kung ang appointment ay naka-book sa OCA-Aseana, maaaring ipadala ang email sa:
– passport appointment: passportconcerns@dfa.gov.ph
– authentication appointment: oca.authentication@dfa.gov.ph
– civil registry matters (Report of Birth/Marriage/Death): oca.crd@dfa.gov.ph
Kung naka-book naman ang appointment sa isa sa mga apektadong consular offices, magpadala ng email sa mga email addresses na nakalista sa DFA Consular Offices directory:
https://consular.dfa.gov.ph/directory.
Sinabi rin ng DFA na maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email sakaling mayroong emergency o kailangang urgent consular services.
Magbabalik naman sa normal na operasyon sa Biyernes, November 13.