Heavy rainfall warning, nakataas pa rin ang ilang lalawigan sa bansa

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Miyerkules ng hapon (November 11), ito ay dulot pa rin ng trough ng Typhoon Ulysses at tail end of a cold front.

Nakataas ang orange warning level sa Apayao (Calanasan, Luna, Conner at Kabugao); Isabela (Divilacan, IlaganCity at Maconacon); Cagayan (Claveria, SantaPraxedes, Gattaran, Penablanca Baggao,Gonzaga, Lallo at SantaAna).

Yellow warning level naman ang nakataas sa Apayao(Pudtol, Flora at Sta. Marcela); Abra (Tineg, Malibcong, at Lacub); Cagayan (Rizal, Santa Teresita at Santo Niño); Ilocos Norte (Adams, Pagudpud); Isabela (San Pablo); Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, TabukCity at Tanudan).

Nasa yellow warning level din ang Quezon, Occidental Mindoro at Northern Palawan.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Zambales at Bataan.

Light to moderate na kung minsan ay occasional heavy rains ang makakaapekto sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, NuevaEcija, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at Batangas.

Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Abra(Licuan-Baay, Luba, Manabo at Villaviciosa); Ilocos Norte(Vintar, Dumalneg); Cagayan (Allacapan, Alcala, Amulung, Aparri, Buguey, Camalanuigan, Enrile, Iguig, Lasam, Piat, SantoNiño, Solana, Tuao at Tuguegarao City); Isabela (Cabagan, Delfin Albano, Mallig, Quezon, Quirino, Santo Tomas at Tumauini).

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...