Typhoon #UlyssesPH, patuloy na lumalakas habang papalapit sa Quezon-Aurora area

Patuloy ang paglakas ng Typhoon Ulysses habang papalapit sa Quezon-Aurora area, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 60 kilometers East Northeast ng Daet, Camarines Sur dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– The southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan), the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur), Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, the northern and central portions of Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Agdangan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Lopez, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez) including Polillo Islands, Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, the northern portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)

Signal no. 2:
– The rest of Quirino, the rest of Nueva Vizcaya, the southern portion of Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba), the southern portion of La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo), the rest of Quezon, Marinduque, the northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island, the northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera), the rest of Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Burias and Ticao Islands

Signal no. 1:
– Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the rest of Benguet, Abra, Ilocos Sur, the rest of La Union, the rest of Occidental Mindoro, the rest of Oriental Mindoro, Romblon, the rest of Masbate, Northern Samar, the northern portion of Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), and the northern portion of Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Ang mga nasabing lugar ay patuloy na makararanas ng masungit na panahon o malakas na pag-ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, patuloy na tumatama ang rainbands ng bagyo sa Bicol region, Silangang bahagi ng Central Luzon, maraming bahagi ng Southern Luzon at northern portion ng Eastern Visayas.

Aniya, inaasahang tatawid ang bagyo sa Polilio Island sa pagitan ng 11:00, Miyerkules ng gabi, at 2:00, Huwebes ng madaling-araw (November 12).

Maaari aniyang mag-landfall sa mainland Quezon sa pagitan ng 1:00 hanggang 3:00, Huwebes ng madaling-araw.

Inaasahan aniyang tuluyang lalabas ng kalupaan ng bansa ang bagyo sa bahagi ng Zambales sa pagitan ng 7:00 hanggang 9:00, Huwebes ng umaga.

Samantala, hanggang Huwebes ng madaling-araw, sinabi ng PAGASA na iiral ang heavy to intense na kung minsan ay torrential rains sa Camarines Norte, Camarines Sur, Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Pampanga, at Bataan dahil malapit ito sa eyewall ng bagyo.

Katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Catanduanes, Marinduque, northern portion ng Mindoro Provinces, at nalalabing parte ng Central Luzon.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararamdaman sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Read more...