Naramdaman na ang hagupit ng Typhoon Ulysses sa Camarines Sur.
Ibinahagi ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Favis Villafuerte Jr. ang ilang larawan kung saan makikita ang sitwasyon sa probinsya kasunod ng pananalasa ng bagyo.
Maraming barangay ang lubog na sa baha kabilang ang Tarosanan sa Camaligan; at Barangay Lower Sta. Cruz, Cale at Laguio sa Ragay.
Sinabi ng kongresista na tumaas na rin ang tubig sa mga spillway at ilog.
Nagkaroon din aniya ng flash floods sa ilang national roads.
Sinabi ni Villafuerte na naka-deploy na ang Camarines Sur provincial disaster frontliners at rescue teams sa buong probinsya.
MOST READ
LATEST STORIES