#WalangPasok ngayong araw ng Miyerkules, Nov. 11

Suspendido ang klase ngayong araw, Miyerkules, November 11, 2020 sa ilang lugar dahil sa bagyong Ulysses.

Walang pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa Cagayan.

Suspendi rin ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Camarines Norte ngayong araw until lifted.

Walang pasok simula ngayong araw hanggang sa November 15 sa Camarines Sur sa lahat ng antas sa public at private schools dahil walang suplay ng kuryente.

Walang pasok sa lahat ng antas sa Paranaque City.

Sa Ateneo de Manila University, walang pasok ang kindergarten hanggang high school.

Nauna ng nag-anunsiyo na ang ilang lalawigan ng suspensyon ng pasok sa trabaho at klase ngayong araw dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Inanunsiyo na ni Gov. Migz Villafuerte ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Camarines Sur.

Nananatili namang suspendido ang klase sa probinsya hanggang November 15.

Maliban dito, sinuspinde na rin ni Gov. Al Francis Bichara ang pasok sa trabaho at operasyon ng lahat ng business establishments kasama ang mga mall sa Albay.

Wala ring pasok ang mga Kindergarten student sa Canlubang Christian School, Inc. dahil sa bagyo.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update sa balita.

Read more...