Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 205.50 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (November 11) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 205.09 meters.

Tumaas din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.86 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.53 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.37 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.40 meters.

Ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

Read more...