Pangulong Duterte magbibigay ng pabuya sa mga magsusumbong sa mga korap na opisyal

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 50,000 hanggang 100,000 pesos na pabuya ang sinumang nagsusumbong ng mga korap na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, dapat na ipaabot ang mensahe sa sinumang cabinet official.

Pangako ng Pangulo, itatago niya ang pagkakakilanlan ng informant hanggang sa kanyang kamatayan.

Kung tinatakot aniya ang informant, ipaalam lamang sa kanya at siya na ang bahala.

Read more...