Bagyong Ulysses bumagal; Signal no. 2 nakataas sa ilang lugar

Bumagal ang bagyong Ulysses.

Ayon sa PAGASA, bagamat bumagal, napanatili naman ang lakas ng hangin na nasa 100 kilometers per hour at pagbugso na 125 kilometers per hour.

Namataan ang bagyo sa 180 kilometer northeast ng Virac, Catanduanes o 415 kilometers east ng Infanta, Quezon kaninang alas kwatro ng umaga.

Kumikilos ang bagyo sa 15 kilometers per hour sa direksyong west northwestward.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa sumusunod na Lugar:

LUZON:
– Southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan)
– Southern portion of Nueva Vizcaya (Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Aritao, Santa Fe, Alfonso Castaneda)
– Eastern portion of Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Natividad, San Quintin, Umingan, Tayug, Santa Maria, Balungao, Asingan, Urdaneta City, Malasiqui, Bayambang, Basista, Bautista, Alcala, Villasis, Rosales, Binalonan, Laoac, Santo Tomas)
– Southern portion of Zambales (Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– Aurora
– Bulacan
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Quezon including Polillo Islands
– Marinduque
– Northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island
– Northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera)
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Catanduanes
– Burias at Ticao Islands

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:

LUZON:
– Isabela
– Rest of Quirino
– Rest of Nueva Vizcaya
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Abra
– Ilocos Sur
– La Union
– Rest of Pangasinan
– Rest of Zambales
– Rest of Occidental Mindoro
– Rest of Oriental Mindoro
– Romblon
– Rest of Masbate

VISAYAS:
– Northern Samar
– Northern portion of Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– Northern portion of Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Sinabi ng PAGASA na kikilos ang bagyo pa-Kanluran at inaasahang dadaan sa hilagang bahagi ng karagatan ng Catanduanes ngayong umaga hanggang hapon, at sa hilagang bahagi ng Camarines Sur at Camarines Norte sa hapon hanggang gabi.

Ang mata ng bagyo ay posibleng mag-landfall sa bahagi ng Polillo Islands at mainland ng Quezon ngayong gabi o bukas ng umaga.

Matapos mag-landfall ay tatahakin ng bagyo ang mainland ng Luzon at kanlurang bahagi ng seaboards ng Central Luzon ngayong gabi o bukas ng umaga.

Maaari pang lumakas ang bagyo at umabot sa typhoon category sa susunod na 12 na may posibleng lakas na 130-155 km/h bago ito mag-landfall. Posibleng humina ang bagyo habang tinatahak nito ang mainland ng Luzon dahil sa Sierra Madre at Zambales Mountain Ranges pero mananatili sa typhoon category.
Read more...