#UlyssesPH, kumikilos na pa-Kanluran patungong Southern Luzon

Patuloy ang pagkilos pa-Kanluran ng Severe Tropical Storm Ulysses patungong Southern Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 250 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes bandang 10:00 ng gabi.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Central at southern portions ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Southeastern portion ng Nueva Ecija (Bongabon, Laur, General Tinio, Gapan City, Peñaranda, Gabaldon)
– Northern at eastern portions ng Bulacan (Meycauayan City, Obando, Marilao, Bocaue, Pandi, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Angat, Santa Maria, San Jose del Monte City, Norzagaray, Doña Remedios Trinidad)
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Quezon kasama ang Polillo Islands
– Marinduque
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Ticao Island
– Burias Island

Signal no. 1:
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Abra
– Ilocos Sur
– La Union Pangasinan
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Bataan
– Pampanga
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Cavite
– Batangas
– Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
– Oriental Mindoro
– Romblon
– Nalalabing bahagi ng Masbate
– Northern Samar
– Northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Hanggang Miyerkules ng umaga, November 11, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.

Light to moderate na kung minsan ay heavy rains naman ang mararanasan sa Aurora, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, at nalalabing parte ng Bicol Region at Eastern Visayas.

Maaari pang lumakas ang bagyo at umabot sa typhoon category sa susunod na 12 hanggang 24 oras.

Sinabi ng PAGASA na kikilos ang bagyo pa-Kanluran at inaasahang dadaan malapit sa Catanduanes, Miyerkules ng umaga hanggang hapon, at sa northern portion ng Camarines Sur at Camarines Norte sa hapon hanggang gabi.

Posible ring dumaan ang senrto nito sa Calaguas Islands sa Miyerkules ng hapon o gabi at mag-landfall sa Polillo Islands at mainland Quezon sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling-araw.

Read more...