Mga nagpositibong pulis sa COVID-19, nadagdagan ng 21

Aabot sa 21 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (November 10), 7,541 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 430 ang aktibo pang kaso.

31 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,087 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 24 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...