Leyte, nakataas sa yellow rainfall warning

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 11:07 Martes ng hapon (November 10), ito ay dulot pa rin ng Severe Tropical Storm Ulysses.

Nakataas ang yellow warning level sa Leyte.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...