Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 10, umakyat na sa 17,904 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
2,847 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 79.73 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
170 naman ang gumaling pa kaya 14,606 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 451 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES