Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 10), umabot na sa 399,749 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,169 o 7.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,347 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 2.7 porsyento ang severe habang 4.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 14 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,661 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 187 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 361,919 o 90.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.