General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol


Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers southwest ng bayan ng General Luna, alas-11:45 umaga ng Martes (November 10).

May lalim na 45 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Surigao City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...