Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 43 kilometers southeast ng bayan ng Paluan, alas-11:35 umaga ng Martes (November 10).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

Read more...