Ito ay kasunod ng mañanita noong kanyang kaarawan at paglabag sa mga quarantine protocols habang nasa Enhanced Community Quarantine ang maraming lugar sa bansa dahil sa covid-19.
Sabi ni Biazon dapat ipakita ni Sinas ang kanyang pinakamahusay na performance bilang pinuno ng pambansang pulisya.
Iginiit naman nito na Hindi na dapat kwestyunin ang pagkakatalaga kay Sinas dahil prerogative at authority ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint ng PNP Chief.
Nakatrabaho anya nito si Sinas bilang miyembro ng NCRPO Regional Advisory Council at ipinakita nito ang kanyang commitment sa pagsusulong ng Performance Government System ng NCRPO.
Nais anya ng general na hindi lamang proactive bagkus ay maging proficient ang NCRPO.
Mayroon din anya itong magandang rapport sa mga stakeholders at nagpakita ng kooperasyon sa business community sa isinusulong na reporma sa NCRPO.