Second round ng pagbibigay na P100,000 na cash incentives sa mga barangay na may zero COVID case ikinakasa na ni Manila Mayor Isko Moreno

Pinag-aaralan na ni Manila Mayor Isko Moreno na magbigay pa ng cash incentives sa mga barangay na makapagtatala ng zero COVID case sa susunod na dalawang buwan.

Pahayag ito ni Mayor Isko matapos bigyan kahapon ng tig-P100,000 na cash incentives ang 73 na barangay na zero COVID case mula August 1 hanggang October 30.

Ayon kay Mayor Isko, isasagawa ang second round mula Disyembre hanggang Enero ng susunod na taon.

Nais ni Mayor Isko na mahikayat ang mga barangay na paigtingin ang kanilang pag-iingat lalo na’t ipagdiriwang ang kapaskuhan sa Disyembre at ilulunsad ang Pista ng Sto. Niño at Pista ng Quiapo sa darating na Enero.

Kumpiyansa si Mayor Isko na kakayanin ng mga taga-Maynila na makaiwas sa COVID-19.

Kasabay nito, pinaaalalahanan ni Mayor Isko ang publiko na huwag magpaka kampante kahit bumaba na ang kaso ng COVID-19.

Masyado aniyang traydor ang naturang sakit.

Batay sa huling tala ng Manila Health Department (MHD), nasa 508 ang kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso ng sakit sa siyudad kumpara sa humigi’t kumulang 900 na bilang noong buwan ng Setyembre at 500-600 na bilang noong Oktubre.

Samantala, patuloy naman ang pagtitiyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa kaligtasan ng mga mamamayan nito laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasagawa ng libreng swab at serology testing, pagsasaayos sa mga health facilities nito at pagbibigay ng suporta sa mga medical frontliners ng lungsod.

 

 

Read more...