Halos kalahating milyon na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa buong mundo sa magdamag

Umabot sa halos 500,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Nov. 10) ay 51,230,378 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 478,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 122,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 37,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 11,000 na mga kaso.

Ang France ay nakapagtala ng mahigit 20,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 10,419,012
India – 8,591,075
Brazil – 5,675,766
France – 1,807,479
Russia – 1,796,132
Spain – 1,426,602
Argentina – 1,250,499
UK – 1,213,363
Colombia – 1,149,063
Mexico – 967,825

 

 

 

Read more...