LOOK: Ilang bahagi ng Cagayan binaha na

Nakapagtala na ng tubig-baha sa ilang mga lugar sa Claveria at Sanchez Mira Cagayan.

Bunsod ito ng walang tigil na pag-ulan na nararanasan.

Sa Purok Diamond, Brgy. Taggat Norte sa bayan ng Claveria nakararanas na ng pagbaha.

Baha na din sa Brgy. Santiago.

Samantala, sa bayan ng Sanchez Mira ay nakapagtala na din ng pagbaha sa Barangay Calungan.

May naitala ding pagguho ng lupa sa bahagi ng Manila North road, Brgy Kilkiling, Claveria Cagayan.

 

 

 

Read more...