Mail voting bahala na ang Comelec na magpasya ayon sa Malakanyang

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpapasya na magkaroon na rin ng mail voting sa bansa sa 2022 elections dahil sa banta ng COVID-19.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng rekomendasyon ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na magsagawa na ng mail voting para sa mga senior citizen mga buntis at persons with disability.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iginagalang ng Palasyo ang rekomendasyon ni Guanzon na isang legal luminary ng Comelec.

Pero ayon kay Roque, hindi niya mabatid kung kailangan pang amyendahan ang Omnibus Election Code para maisagawa ang mail voting.

Naniniwala si Guanzon na mas marami pang botante ang makaboboto sa eleksyon kung isasama ang mail voting.

 

 

Read more...