Ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila makararanas ng pag-ulan

Makararanas ng pag-ulan ang ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 9:55 ng umaga ngayong Martes, Nov. 10, 2020 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Cavite, Batangas, at Rizal sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa San Pablo, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Majayjay, Magdalena, Luisiana, Pagsanjan, Cavinti, at Lumban sa Laguna; Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas, at General Nakar sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha o landslides.

 

 

Read more...