WALANGPASOK: Klase sa Cagayan suspendido ngayong araw, Nov. 10, 2020

Suspendido pa din ang klase ngayong araw ng Martes, Nov. 10 sa buong lalawigan ng Cagayan.

Ang suspensyon ay sa lahat ng antas, kabilang ang online at modular.

Inanunsyo ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang suspensyon dahil sa nararanasang pag-ulan sa lalawigan bunsod ng pag-ulan na dulot ng tail-end ng cold front.

Sinabi ni Mamba na nananatili ang banta ng pagbaha dulot ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Ilog ng Cagayan at tributaryo nito.

 

 

 

Read more...